Home
Mag-log inMagrehistro
Handa nang makipag-trade?
Mag-rehistro na ngayon

Pamamahala sa Mga Trade na Nalulugi

Naranasan mo na bang matalo sa isang trade at nawalan ka ng direksyon? Hindi lang ito tungkol sa mismong pagkatalo, kundi sa paggamit nito bilang oportunidad para matuto at makamit ang tagumpay sa hinaharap. Subukan mo na at baguhin ang iyong paraan ng pagte-trade ngayon!

  1. Sanhi ng pagkalugi: Tukuyin kung mali ang analysis, emosyon, at strategy.
  2. Epekto ng emosyon: Kilalanin at kontrolin ang emosyon habang nagte-trade.
  3. Pagsusuri sa merkado: Gumamit ng epektibong teknik para sa mas maayos na desisyon.
  4. Pagputol ng pagkalugi: Alamin kung kailan dapat isara ang talong trade.
  5. Pagkansela ng trade: Paano ikansela ang isang trade.

Sanhi ng Pagkalugi

Ang mga talong trade ay kadalasang nagmumula sa karaniwang pagkakamali:

  • Maling pagsusuri sa merkado: Minsan, iba ang takbo ng merkado dahil sa maling interpretasyon ng datos.

  • Pagdedesisyon base sa emosyon: Ang makaramdam ng excitement o takot ay natural, pero sa trading, ang pagkilos base sa bugso ng damdamin ay madalas humantong sa maling desisyon.

  • Hindi angkop na strategy: Ang isang strategy na epektibo para sa iba ay maaaring hindi gumana sa iyo. Mahalagang humanap ng strategy na akma sa iyong risk tolerance at estilo ng pagte-trade.

Ed 302, Pic 1

Epekto ng Emosyon

Malaki ang papel ng isipan sa trading. Ang pagkilala sa epekto ng emosyon sa mga desisyon at pagbuo ng paraan para makontrol ito ay makatutulong para maiwasan ang impulsive at posibleng talong trade.

  •  Kontrol sa emosyon: Kilalanin ang mga trigger at gumamit ng teknik tulad ng pag-pause o pagsunod sa mahigpit na patakaran sa trading upang manatiling kalmado at malinaw ang isipan.

  •  Stress management: Ang pagte-trade habang stress ay maaaring makaapekto sa tamang pag-iisip. Ang regular na ehersisyo, pagninilay, o mga libangan ay maaaring makatulong upang maibsan ang stress at mapanatili ang focus.

Ed 302, Pic 2

Pagsusuri sa Merkado

 Mahalaga ang matibay na kaalaman sa mga tool at pamamaraan ng market analysis para makagawa ng matalinong desisyon at makaiwas sa pagkalugi.

  • Sentiment analysis: Ang pag-unawa sa damdamin ng merkado ay maaaring magbigay ng pahiwatig sa posibleng kilos nito.

  • Technical analysis: Ang mga chart, trend, at pattern ay maaaring magbigay ng ideya kung paano gagalaw ang merkado.

  • Fundamental analysis: Ang mga economic indicator at financial reports ng mga kumpanya ay nagbibigay ng mas malawak na perspektiba sa takbo ng merkado.

Ed 302, Pic 3

Pagputol ng Pagkalugi

Minsan, ang pinakamatalinong hakbang ng isang trader ay ang isara ang isang talong trade — lalo na kung ito ay ginawa nang padalos-dalos o dahil sa maling dahilan. Ang pagpupumilit sa ganitong trade ay kadalasang nagdadala lamang ng mas malaking pagkalugi.

Ed 302, Pic 4

Pagkansela ng Trade

Para ikansela ang isang trade, pumunta sa ‘Trades’ menu kung saan makikita ang lahat ng aktibong trades. Doon, makikita ang opsyon na ikansela ang trade. Kapag kinumpirma ito, agad na maisasara ang posisyon, na makatutulong upang mabawasan ang posibleng pagkalugi.

Ed 302, Pic 5

Tandaan: Bawat trade,  panalo man o talo, ay may dalang mahalagang aral. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pagkukulang sa analysis, strategy, at emosyon, maaari mong hasain ang iyong kakayahan sa paggawa ng desisyon.

Sa pagtanggap mo ng mga kaalamang ito, hinihikayat ka naming subukan ito sa aming platform. Ang platform ay ginawa para sa iyo,  madaling gamitin upang maisagawa ang mga natutunan. Kung ikaw man ay nagre-review ng trade, pinapakalma ang damdamin, o gumagamit ng bagong teknik sa pagsusuri ng merkado, may mga tool kaming handa para sa isang kumpiyansang trading journey.

Handa nang makipag-trade?
Mag-rehistro na ngayon
ExpertOption

Ang Kumpanya ay hindi nagbibigay ng mga serbisyo sa mga mamamayan at/o mga residente ng Australia, Austria, Belarus, Belgium, Bulgaria, Canada, Croatia, Republic of Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Iceland, Iran, Ireland, Israel, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Malta, Myanmar, Netherlands, New Zealand, North Korea, Norway, Poland, Portugal, Puerto Rico, Romania, Russia, Singapore, Slovakia, Slovenia, South Sudan, Spain, Sudan, Sweden, Switzerland, UK, Ukraine, USA, Yemen.

Mga trader
Programa para sa kaanib
Partners ExpertOption

Mga paraan ng pagbabayad

Payment and Withdrawal methods ExpertOption
Ang mga pagpapatakbo na ibinibigay ng site na ito ay maaaring maging mga pagpapatakbo na may mataas na lebel ng panganib, at maaaring maging napaka-mapanganib ng pagpapatupad ng mga ito. Sakaling bumili ng mga pinansyal na instrumento na ibinibigay ng Website at Mga Serbisyo, maaari kang magtamo ng malaking pagkalugi sa puhunan o mawala ang lahat ng pondo sa iyong Account. Binigyan ka ng limitado at hindi eksklusibong mga karapatan para gamitin ang IP sa site na ito para sa personal, hindi komersyal, at hindi naililipat na paggamit na may kaugnayan lang sa mga serbisyong ibinibigay ng site.
Dahil ang EOLabs LLC ay wala sa ilalim ng pangangasiwa ng JFSA, hindi ito kasangkot sa anumang mga pagkilos na itinuturing na nag-aalok ng mga produktong pampinansyal at pangangalap para sa mga serbisyong pinansyal sa Japan at ang website na ito ay hindi nakatuon sa mga residente sa Japan.
© 2014–2025 ExpertOption
ExpertOption. Nakalaan ang lahat ng karapatan.